^

Bansa

56-anyos gawin nang senior, isinusulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Centenarian Law, igiit ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na dapat na ring maging batas ang Expanded Senior Citizens Act na ibaba sa 56 taong gulang ang mga ituturing na senior citizens na awtomatikong makakatanggap ng discounts at iba pang benepisyo.

Ayon kay Revilla, ang mga sasapit sa edad na 56 ay magkakaroon ng option na magretiro na at hindi na kailangang maghintay ng 60 taong gulang.

Kung magiging batas, ang mga 56-anyos ay maaaring makatanggap ng 10% discount samantalang mananatili sa 20% discount ang mga 60 taong gulang pataas.

“Meron akong propo­sal ‘yung senior citizen law. Lowering of senior citizen age to 56. Nila-lobby ko ‘yan…sabi ko pag-aralan na natin. Not necessary 20% kung pwede at least 10% malaking bagay na dahil this early marami rito may maintenance na,” ani Revilla.

Si Revilla ang nagsulong sa Senado ng Centenaria Law na nilagdaan na ni Marcos kung saan hindi lamang ang mga umabot sa 100 taong gulang ang makakatanggap ng pinansiyal na incentive mula sa gobyerno.

Sa nasabing batas, ang mga aabot sa edad na 80 ay tatanggap ng P10,000; 85 - P10,000; 90 - P10,000; 95 - P10,000 at 100 - P100,000.

Ipinaalala ni Revilla na noon pang 18th Congress noong 2019 niya naging prayoridad ang Centenarial Law.

Binanggit din ni Revilla na nais ng ilan na ga­wing P1 milyon ang matatanggap na tulong ng mga aabot sa 100 taong gulang.

“Merong proposal na P1 million pero baka umiyak na ang atin gobyerno. Mahaba na ang buhay ng tao ngayon,” ani Revilla.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with