^

Bansa

Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas - Duterte
Former president Rodrigo Duterte Presidential.
Photo / Roemari Lismonero

MANILA, Philippines — Inihirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma.

Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Sa ambush interview, tumanggi sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na magkomento sa nais na mangyari ni Duterte.

Kapwa taga-Mindanao sina Zubiri at Pimentel.

Pero sinabi rin ni Zubiri na “with due respect” sa dating Pangulo, hindi kailangan ngayong pag-usapan ang isyu na magiging dahilan lamang ng pagkakagulo at pagkakawatak-watak.

Hiniling din ni Zubiri na mag-slow down o maghinay-hinay muna ngayon sa away dahil ang importante ay ang kapakanan ng bayan.

Ipinunto rin ni Zubiri na ang ganitong mga labanan ay hindi makakabuti sa bansa at sa mga susunod na henerasyon.

Ayon naman kay Pimentel, kailangang masusing pag-aralan ang gustong mangyari ni Duterte pero binigyan diin na tutol siya sa anumang mungkahi para sa secession o paghihiwalay ng alinmang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Sinabi naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi uubra sa ilalim ng Konstitusyon ang gusto ng dating pangulo na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with