^

Bansa

Pangulong Marcos: Magtipid sa kuryente!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Magtipid sa kuryente!
Sa Administrative Order no. 15 na nilagdaan ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan nito ang lahat ng government agencies kabilang na ang government owned and controlled corporations (GOCC) na magdoble kayod sa pagpapatupad ng Government Energy Ma­nagement Program (GEMP) na nagsusulong ng praktikal na pagkonsumo ng enerhiya.
File

Utos sa lahat ng government’ agencies

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magtipid sa kuryente.

Sa Administrative Order no. 15 na nilagdaan ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan nito ang lahat ng government agencies kabilang na ang government owned and controlled corporations (GOCC) na magdoble kayod sa pagpapatupad ng Government Energy Ma­nagement Program (GEMP) na nagsusulong ng praktikal na pagkonsumo ng enerhiya.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng energy audits at random energy spot checks mula sa certified energy auditors.

Pinagsusumite rin ang mga ahensiya ng pamahalaan ng imbentaryo ng mga kagamitang kumukonsumo ng enerhiya tulad ng mga ilaw sa mga gusali at kalsada, heating, ventilation at airconditioning, insulation at mga sasakyan.

Nais din masiguro ng Pangulo ang pagsunod sa mga panuntunan ng Department of Energy at pag-adopt sa low cost energy efficient measures tulad ng pagpa­panatili sa 24 degrees celsius na temperatura ng airconditioned units, pagpatay sa mga hindi ginagamit na ilaw, at pag-activate ng sleep settings sa mga kagamitan sa mga opisina.

vuukle comment

ELECTRIC

ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with