^

Bansa

P5.768 trilyong National budget niratipikahan ng Senado, Kamara

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng Senado at Kamara ang Bicameral Conference committee report tungkol sa panukalang P5.768-T 2024 National budget.

Tanging si Senate Minority leader Koko Pimentel lang sa Senado ang tumutol sa ratification ng panukalang budget.

Habang sa Kamara, maliban kina ACT Teachers Partylist France Castro at Gabriela Party­list Rep. Arlene Brosas, pinaboran ng mayorya ng mga Kongresista ang Gene­ral Appropriations Bill.

Sinabi ni Sen Sonny Angara, chairman ng Se­nate Committee on Finance sa pagharap ng budget sa plenaryo na P9.5 bilyon ang nakapaloob dito sa confidential at intelligence fund o CIF.

Nauna nang sinabi ni Angara sa Bicam meeting na walang CIF ang Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President (OVP).

Sa sponsorship ni Angara sa plenaryo, sinabi nito na base sa instruction ni Senate President Juan Miguel Zubiri dinagdagan ang budget ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG).

Dinagdagan din ang budget ng mga law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Penolo­gy (BJMP), Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), National intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Council (NSC).

Nangungunang prayoridad ng pambansang budget ang eduka­syon at ang pagpapataas ng pondo para sa imprastraktura at housing projects at ang pondo para sa promosyon ng bansa bilang tourism destination.

Nasunod naman ang gusto ni Sen. Chiz Escudero sa budget na magkaroon ng special provision na mag-uutos sa Bureau of Immigration para ire-imburse ang mga hindi pinasakay nila sa eroplano kahit walang court order.

Gayundin ang special provision na ipinasok ni Sen. Grace Poe para sa pambili ng body camera na ipapagamit sa mga airport personnel.

vuukle comment

TEACHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with