^

Bansa

Pantawid Pasada sa middle class, iginiit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pantawid Pasada sa middle class, iginiit
Gasoline station workers fill up jeepney fuel tanks along Sta. Cruz Avenue in Manila on September 18, 2023.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Dapat na mabenipisyuhan din ng Pantawid Pasada Program ng gobyerno ang mga middle class na apektado rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at hindi lamang mga mahihirap.

Kasabay nito, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na suportado rin niya ang pagtaas ng gobyerno sa fuel subsidies dahil nagdudusa na ang mga consu­mers sa ika-11 beses na oil price hike ngayong linggo.

Ayon pa kay Gatchalian, ang nakikita lamang niyang depekto sa Pantawid Pasada ay hindi natutulu­ngan ang mga nasa middle class na bumibili rin ng mga sasakyan dahil ang public transportation ay masikip at hindi episyente.

Puna pa ng Senador na kahit mataas ang presyo ng petrolyo ay marami sa mga mayayaman ay hindi naman nagpalit ng habit sa pagbabawas ng biyahe.

Kaya sa halip na fuel excise tax suspension, hinikayat nito ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan ng Pantawid Pasada program.

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, ang kahulugan ng gobyerno sa middle class ay ang mga mayroong income sa pagitan ng dalawa hanggang 12 beses na poverty line o tinatayang P24,000 at P145,000 family income.

Iginiit naman ni Gatchalian na dapat pa rin pag-aralang mabuti ang panukalang pagsuspinde ng fuel excise tax dahil maaa­ring maubos ang kita ng gobyerno.

vuukle comment

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with