^

Bansa

Degamo case, bubuksan muli ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng muling buksan ng Senado ang pagdinig kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo Jr.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na handa silang imbestigahan ang pag-retract o pagbawi sa testimonya ng limang suspek sa pagpatay sa gobernador.

Giit ni Dela Rosa na wala siyang magagawa kundi muling buksan ang imbestigasyon kahit naka-break na ang sesyon ng kongreso sa susunod na linggo dahil trabaho nila ito.

Ang pahayag ng senador ay ginawa matapos na mag-manifest sa plenaryo si Sen. Alan Peter Cayetano na mu­ling buksan ang pagdinig ng komite ni Dela Rosa matapos bawiin ni Jhudiel Osmundo Ri­vero at ng iba pa ang kanilang testimonya na i­binigay sa imbesti­gasyon ng Senado.

Nais nito na bigyan ng mas mabigat na parusa sa kasong perjury o pagsisinungaling na hindi pinapansin sa ating bansa o hindi kinakasuhan.

Inihalimbawa rin niya na sa ibang estado sa United States ay maitutulad ang kasong perjury sa malalaking krimen kaya iminungkahi ni Cayetano na magkaroon ng katiyakan na mapaparusahan ang nagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa.

vuukle comment

CRIME

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with