^

Bansa

‘Register anywhere’ inilarga ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan na mas magiging maginhawa ang pagpaparehistro ngayon para sa susunod na halalan dahil sa paglalarga na ng Commission on Elections (Comelec) sa “re­gister anywhere” sa limang malalaking shopping malls sa Metro Manila.

Tinukoy ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco ang mga pagdarausang malls - Mall of Asia, SM Fairview, SM South Mall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila.

Sa mga nais magparehistro, maaaring magtungo sa naturang mga mall umpisa ng Dis. 17, 2022 hanggang Enero 25, 2023.

Paliwanag ni Laudiangco, sakaling hindi nakatira sa Metro Manila ngunit nagkataong namamasyal sa isa sa nabanggit na mall ang botante ay maari silang pumunta sa mga registration venue o register anywhere booth.

Ang thumbprints at iba pang biometrics ay gagawin sa booth saka ipapadala ng Comelec sa munisipalidad ng botante.

“Napakaganda po kasi nito para sa ating mga mag-aaral, nagtatrabaho sa Metro Manila, na walang pagkakataong umuwi sa kanilang mga probinsya,” saad ni Laudiangco

Dagdag pa ni Laudiangco, bukas din ang register anywhere booth sa mga paalis na OFW at mga seaman para sila ay makapagparehistro.

Samantala, ang mga nais magpa-reactivate ng kanilang voter’s ID ay hindi na kailangang bumisita sa mga opisina ng Comelec. Maaaring i-download ang form sa Comelec website at ipadala sa Comelec election officer.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with