^

Bansa

'Hindi handa?': Unang araw ng full face-to-face classes pinuna ng gurong lawmaker

Philstar.com
'Hindi handa?': Unang araw ng full face-to-face classes pinuna ng gurong lawmaker
Students attend the first day of in-person classes after years-long Covid-19 lockdowns at Pedro Guevara Elementary School in Manila on August 22, 2022.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Dismayado ang ACT Teachers party-list sa kalagayan ng education sector sa unang araw ng full implementation ng harapang mga klase  — hindi pa raw kasi sapat ang nagawa ng gobyerno upang maibalik uli sa limang araw ang pasok sa gitna ng pandemya.

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na isang linggo na uli ang pisikal na pagpasok ng mga estudyante pagsapit ng ika-2 ng Nobyembre, bagay na tatapos sa malawakang online at blended learning simula 2020 dahil sa COVID-19.

"Schools are left with no choice but to hold classes in unfinished or dilapidated rooms or hold three shifts of classes a day," ani ACT Teachers Rep. France Castro, Miyerkules, habang kinikilalang face-to-face pa rin ang pinakamainam na paraan ng pagtuturo.

"With the recent typhoons and earthquake, the Department of Education needs to asses the damage in school facilities before the full implementation of face-to-face classes to ensure safety of students and teachers."

Kamakailan lang nang sabihin ni DepEd spokesperson Michael Poa na hindi bababa sa 261 eskwelahan ang napinsala ng bagyong "Paeng," habang ilang paaralan din ang ginagamit bilang evacuation centers ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Noong limitado pa ang face-to-face classes, ginagawa daw ng mga eskwelahan ang lahat ng makakaya nito upang maipatupad ang minimum health standards para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante. Kaso, limitado lang daw ang magagawa nito dulot ng maliit ng suporta.

Sa ngayon, wala pa rin kasing medical fund para sa libreng gamutan ng mga guro at estudyanteng magpopositibo sa COVID-19. Wala ring libreng testing sa mga eskwelahan maliban sa kulang ang nurses at siksikan ang mga classroom.

Sobra-sobrang trabaho rin daw ang kinakaharap ng mga teacher dahil sa haba ng oras ng pagtuturo, paghahanda sa mga klase at karagdagang paperworks.

"There is still so much that the government can do to ensure a safe full implementation of face-to-face classes," sabi pa ni Castro.

"It seems that this administration [of President Ferdinand Marcos Jr.] is too busy trying to change the curriculum to distort history, revise it in favor of the Marcos family, push for a mandatory ROTC in schools, red-tag teachers and their organizations and unions, and fight for a confidential fund for their 2023 budget."

"The Department of Education needs funds to fulfill its mandate of providing quality and accessible education for all, it does not need [P150 million] confidential funds, especially at a time when we are experiencing a worsening education crisis."

Setyembre pa nang ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 4918 o "Safe Schools Reopening Bill," bagay na nakatengga pa rin sa Committee on Basic Education and Culture ng Kamara. Aniya, kailangan na kailangan na ito para matiyak na ligtas at de kalidad ang dadatnang mga paaralan.

Martes lang nang sabihin ni Poa na papayagan na agad-agad ng DepEd na magtanggal ng face masks ang mga bata sa loob ng kanilang mga classroom kasunod ng inilabas na Executive Order 7 ni Marcos Jr.

Ito'y kahit na nakapasok na ng Pilipinas ang mas nakahahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19.

Sa huling taya ng Department of Health, aabot na sa lagpas 4 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Patay na ang 64,109 sa kanila. — James Relativo

vuukle comment

ACT TEACHERS PARTY-LIST

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

PAENG

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with