^

Bansa

PNP pabor sa mandatory drug test sa mga artista

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP pabor sa mandatory drug test sa mga artista
Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na suportado nila ang panawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mandatory drug tests dahil nagsisilbing modelo ang mga ito sa publiko.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na dapat lang sumailalim sa drug test ang mga artista sa telebisyon at radyo bago bigyan ng pelikula at ibang proyekto.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na suportado nila ang panawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mandatory drug tests dahil nagsisilbing modelo ang mga ito sa publiko.

Ayon kay Azurin, uma­apela siya sa mga mala­laking television network gayundin ang actors guild na magkusang kumilos at maipakita ang tulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

“We encourage ‘yung mga giant networks, even ‘yung actors’ guild. Sila na magkusa parang nang sa ganun ay maipakita nila na tumutulong sila sa ating kampanya laban sa iligal na droga,” ani  Azurin.

Inaasahan din niya ang boluntaryong pagpapasailalim sa drug tests  ng mga artista na indikasyon na malinis at hindi sangkot sa paggamit ng droga.

Ang aksiyon ng PNP ay kasunod ng pagkakaaresto sa aktor na si Dominic Roco at apat pa sa isinagawang anti-drug operation sa Quezon City.

Nakuha sa mga ito ang P12,000 halaga ng shabu at P14,000 halaga ng marijuana leaves.

DRUG TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with