Binawian ng buhay sa COVID-19 sa 'Pinas lumundag lagpas 45,000
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 1,894 bagong infection ng coronavirus disease, Biyernes, kaya't nasa 2.81 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,813,115
- Nagpapagaling pa: 29,105, o 1% ng total infections
- Kagagaling lang: 1,421, dahilan para maging 2,738,975 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 170, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 45,035
Mandatory COVID-19 vaccination
-
Ginawa nang obligado ng gobyerno ang COVID-19 vaccination para sa mga empleyado't manggagawa na kailangang magtrabaho on-site, basta't sapat ang suplay ng bakuna sa kanilang lugar.
-
Sa kabila ng mandatory vaccination sa naturang sektor na mismong Palasyo ang naglabas, nanindigan ang DOH na kinakailangan pa rin ng batas para maipatupad ito, alinsunod sa una nang pahayag ng Department of Justice.
-
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdadagdag pa ng mga paaralang lalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes. Ito'y dagdag pa sa 100 pampublikong paaralan at 20 pribadong paaralang magkakaroon ng harapang klase ngayong buwan. Ayon sa DepEd, ito'y dahil na rin sa pagganda ng COVID-19 situation sa bansa.
-
Nasa 3 milyon pang COVID-19 vaccines mula sa Chinese company na Sinovac ang dumating sa Pilipinas, Huwebes ng gabi. Dadagdag ito sa suplay ng gobyerno na gagamitin panlaban sa pandemya.
-
Kahit na walang COVID-19 swab test, maaari nang bumisita ang mga turista sa Isla ng Boracay basta't sila'y fully-vaccinated na. Ito ang ibinahagi sa publiko ni Aklan Governor Florencio Miraflores.
-
Umabot na sa 30.8 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan, 67.71 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.
-
Sumampa na sa 251.26 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5.07 milyong katao.
— James Relativo
- Latest