^

Bansa

Sa bahay lang ang mga bata na hindi bakunado – Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sa bahay lang ang mga bata na hindi bakunado � Malacañang
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa resolusyon naman ng IATF na hindi dapat lumalabas ang mga batang wala pang bakuna.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na kung susundin ang general rule ng Inter-Agency Task Force, dapat ay sa loob lamang ng bahay ang mga batang wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa resolusyon naman ng IATF na hindi dapat lumalabas ang mga batang wala pang bakuna.

Ang tanging exception aniya sa nasabing rule ay kung lalabas ang mga bata para mag-exercise para sa kanilang mental health.

Nauna rito, naging isyu ang pagdagsa ng maraming tao sa Dolomite Beach sa Manila Bay kung pinapasok din ang mga may kasamang bata.

Sinabi ni Roque na bagaman at maaaring magtungo ang mga bata sa mga open spaces pero hindi ipinapayo na ibiyahe pa sila sa malayong lugar.

Napaulat na may mga nagtungo sa dolomite beach na galing pa sa labas ng National Capital Region.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with