_ngayon
^

Bansa

Ombudsman desidido: Pag-abswelto kay Revilla sa graft dehins namin iaapela

James Relativo - Philstar.com
Ombudsman desidido: Pag-abswelto kay Revilla sa graft dehins namin iaapela
Kita sa file photo na ito ang litrato ni Sen. Bong Revilla
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Wala nang balak iapela ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss ng Sandiganbayan sa patung-patong na kaso ng graft laban kay Sen. Bong Revilla kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

"The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence, AND WE RESPECT ITS DECISION," ayon sa tanggapan ng Ombudsman, Huwebes, pagdating sa 16 kaso ng senador.

Ngayong Lunes lang nang iulat ang pag-clear kay Revilla kaugnay ng "kakulangan ng ebidensya," hatol na ibinaba matapos pagbigyan ang kanyang demurrer to evidence na hindi na nag-obliga sa kanya na depensahan ang sarili.

Ang ganitong desisyon ng opisina ay ibinabase raw ngayon sa karapatang iginagawad ng Saligang Batas sa lahat laban sa "double jeopardy." Tumutukoy ang double jeopardy sa pagsagot ng akusado ng dalawang bses sa parehong reklamo.

"Consistent with the defendant’s constitutional right against double jeopardy, Ombudsman Samuel Martires sets the policy of no longer challenging the dismissal of cases/quashal of information and judgments of acquittal, either through a motion to dismiss, a demurrer to evidence or by a decision, rendered by the trial courts or the Sandiganbayan except when the People was clearly deprived of due process or there was mistrial."

Taong 2014 nang akusahan si Revilla ng pagbubuhos ng kanyang Priority Development Assistance Fund mula 2006-2009 patungo sa mga "bogus" non-governmental organizations ni Janet Napoles, dahilan para makakuha raw ang actor-turned-senator ng P224.5 milyong kickback.

Na-convict para sa plunder sina Napoles kasama ang aide ni Revilla ni Richard Cambe. Gayunpaman, idinismiss din ang kaso ng huli matapos niyang pumanaw sa kulungan.

Una nang inabswelto sa plunder si Revilla kaugnay pa rin ng parehong isyu. Maliban kay Bong, kasamang inaakusahan sa pork barrel scam sina dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Miyerkules lang nang sabihin ni Jinggoy na makakatulong ang pagkakaabswelto ni Revilla oras na mapagdesisyunan niyang tumakbong senador para sa 2022.

Matatandaang tumakbo sa pagkasenador si Revilla taong 2019 at nanalo pa rin kahit na humaharap pa noon sa mga kaso kaugnay ng pork barrel scam.

BONG REVILLA OMBUDSMAN PORK BARREL SCAM SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with