_ngayon
^

Serbisyo ng One Hospital Command Center mas pinalawak

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas pinabuti ng gob­yerno ang serbisyo ng One Hospital Command Center matapos dagsain ng maraming reklamo.
Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, nagkaroon sila ng “surge” sa nakaraang dalawang buwan kaya inayos ang kanilang telecommunication.

Sinabi rin ni Vega, nagdagdag sila ng wor-kers upang mas maging maayos ang serbisyo.

“Itong One Hospital Command, in-improve na ho namin iyong mga services nito kasi pinalawak na namin iyong mga wor-kers ano ng mga nanga-ngailangan ng—iyong human resource,” ani Vega.

Nasa 80 personnel aniya ang nadagdag kung saan walo sa mga ito ay mga medical doctors.

Matatandaan na inilunsad ng Inter-Agency Task Force ang One Command Center bilang referral system ng mga pas-yenteng may COVID -19.

Sa ngayon ay inilagay na ang monitoring system sa Philippine International Convention Center (PICC).

“At nagpapasalamat din kami sa MMDA na na-adopt kami nila at that time tapos nasa PICC na kami ngayon. So sa PICC ho, doon kami sa meeting—dalawang meeting rooms at ginamit namin ito for the Command Center. Better na ho iyong ano namin ngayon, facilities at better iyong number of personnel at saka iyong connectivity,” ani Vega.

ONE HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with