^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lampas-lampas 962,000 na; bagong kaso 9,227

Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lampas-lampas 962,000 na; bagong kaso 9,227
Naka-face mask laban sa COVID-19 habang nakahiga ang babaeng ito bago ipanganak ang kanyang baby sa Betty Go-Belmonte Lying-in Clinic, Lungsod ng Quezon, ika-20 ng Abril, 2021
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,227 bagong infection ng coronavirus disease Miyerkules, kung kaya nasa 962,307 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 962,307
  • nagpapagaling pa: 116,434, o 12.1% ng total infections
  • bagong recover: 19,699, dahilan para maging 829,608 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 124, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 16,265

Anong bago ngayong araw?

  • Samantala, isinama ng ilang ahensya ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga "lugar na hindi dapat puntahan" dahil sa taas ng kaso ng COVID-19. Nasa Level 4 Travel Health Notice ng Center for Disease Control and Prevention ang bansa — ang pinakamataas sa apat na COVID-19 classifications ng ahensya.

  • Umabot na sa 209,456 katao ang nakakukumpleto ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine matapos maiturok ang nasa 1,562,563 bakuna ayon sa talaga ng DOH ngayong araw. Nasa 1,353,107 naman ang nakakukuha pa lang ng unang dose sa ngayon.

  • Pinaplano naman ng Pilipinas na bumili ng "booster shot" ng Moderna COVID-19 vaccines, na siyang nasa early stage trials pa lang ngayon. Ani Vaccine czar Carlito Galvez Jr., maaaring ito na lang ang bilhin ng gobyerno kaysa ang dagdag 5 milyong doses na dagdag pa sana sa 20 milyong nauna nang na-secure ng estado.

  • Inilinaw naman kanina ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pwedeng i-skip ang "screening" ng mga tatanggap ng COVID-19 vaccines kahit na ikalawang dose na ito. Aniya, dapat malaman muna kung may sintomas ng sakit ang tao bago bigyan ng bakuna.

  • Inutusan naman ng Malacañang ang Food and Drug Administration na pangunahan ang kampanya laban sa pagpaparusa sa iligal na bentahan ng anti-parasitic drug na Ivermectin. Bawal kasi itong gamitin laban sa COVID-19 kung hindi inisyuhan ng compassionate special permit ang mga doktor na magbibigay nito sa kanilang mga pasyente.

  • Umaabot na sa halos 141.8 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 3.02 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kina Gaea Katreena Cabico, Bella Perez-Rubio at Xave Gregorio

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with