COVID-19 deaths sa Pilipinas sumipa sa 15,738 habang global cases nasa 137.9-M

Funeral workers wearing personal protective equipment carry the remains of a person to Baesa crematorium in Quezon City on April 15, 2021. The crematorium caters to indigents from Quezon City, patients who died from COVID-19 and persons under investigation or persons who died from respiratory complications.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,726 bagong infection ng coronavirus disease Biyernes, kung kaya nasa 914,971 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 914,971
  • nagpapagaling pa: 193,976, o 21.1% ng total infections
  • bagong recover: 650, dahilan para maging 705,757 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 145, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 15,738

Anong bago ngayong araw?

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments