Nahawaan ng COVID-19 sa 'Pinas lumobo lagpas 600,000, ayon sa DOH

Naglalakad ang mga mamimiling ito sa Balintawak Market, Quezon City, ika-20 ng Enero, 2021
Released/Quezon City government

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang nasa 2,668 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para pataasin nito ang kabuuang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit sa 600,428.

Nasa 41,822 diyan ang itinuturing na "aktibong kaso," o 'yung mga tuluy-tuloy pa ring nagpapagaling mula sa nakamamatay na virus.

Pitong pasyente naman ang kayayao lang sa COVID-19, dahilan para pumatak ng 12,528 lahat-lahat ng mga pumanaw dito sa bansa. Ligtas naman na sa sakit ang nasa 546,078 dating nadali ng pathogen.

Anong bago ngayong araw?

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments