^
Kahit may COVID-19 pa: Mayor Isko nais ibukas Intramuros 'for all ages'
File photo ng Fort Santiago sa Intramuros, Maynila
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

Kahit may COVID-19 pa: Mayor Isko nais ibukas Intramuros 'for all ages'

James Relativo (Philstar.com) - February 26, 2021 - 1:18pm

MANILA, Philippines — Suportado ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang plano ng Department of Tourism (DOT) na tanggalin ang mga age-restrictions sa pagtungo sa ilang parke sa gitna ng coronavirus diseas (COVID-19) pandemic — basta't once a week "Family Day" lang ito.

Ito ang tugon ni Domagoso, Biyernes, matapos imungkahi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pagbubukas ng mga open space tourist attractions gaya ng Intramuros at Rizal Park sa buong pamilya.

Basahin: Lift age restrictions for Intramuros, Rizal Park visitors – DOT

"Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho 'yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we'll support it," wika ni Domagoso.

Sinabi 'yan ni Domagoso kahit na 15-65 years old lang ang pwedeng lumabas-labas ng bahay ayon sa Resolution 79 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ang mga senior citizen — gaya ng mga tao mula 60 pataas — ay may mas mataas na risk ng pagkamatay sa COVID-19, ayon sa World Health Organization (WHO).

Una nang ipinanukala ng IATF na payagang lumabas ng bahay kahit ang mga 10-14 taong gulang sa mga modified general community quarantine (MGCQ) areas ngunit sinupalpal din ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kamakailan lang nang buksan ng Intramuros ang tarangkahan ng Fort Santiago, Casa Manila Museum at Baluarte de San Diego sa publiko ngayong buwan ngunit para lang ito sa 15-65 taong gulang.

"Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April," wika pa ng alkalde.

Una na ring humirit ng one-day exemption sa age restriction si Puyat noong ika-18 ng Pebrero: "Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for 15 to 65," banggit niya.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang manawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tuluyan nang ipatanggal ang COVID-19 testing para sa lahat ng tourist destinations sa Pilipinas, para maging uniform ang mga requirements saan man sa bansa.

Basahin: DILG nais ipatanggal ang COVID-19 test requirement sa mga lokal na turista

Ang mga ito ay ginagawa pa rin para buhayin lalo aniya ang ekonomiya at sektor ng turismo, na labis nawasak nang magpataw ng mga quarantine restrictions sanhi ng COVID-19. 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH), umabot na sa 568,680 ang tinatamaan ng COVID-19 nitong Huwebes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 12,201.

DEPARTMENT OF TOURISM INTRAMUROS ISKO MORENO NOVEL CORONAVIRUS TOURISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with