^
10-14 year-olds pwede na lumabas ng bahay sa MGCQ areas sa Pebrero â IATF
Nakaangkas sa bisikleta ang dalawang batang ito kasama ang kanilang ama sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-20 ng Marso, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

10-14 year-olds pwede na lumabas ng bahay sa MGCQ areas sa Pebrero — IATF

(Philstar.com) - January 22, 2021 - 10:10am

MANILA, Philippines — Lalo pang darami ang mga taong papayagang lumabas-labas ng bahay habang nasa community quarantine laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na buwan, ayon sa isang pahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, pwede na kasi labas sa kanilang mga tahanan ang mga batang eadad 10 hanggang 14 taong gulang.

"The Inter-Agency Task Force (IATF) approved the recommendation to relax age-based restrictions for areas placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) beginning February 1, 2021," ayon sa state media, Biyernes.

"Any person below ten (10) years old and those who are over sixty-five (65) years of age shall be required to remain in their residence at all times."

Hinihihikayat na rin ng IATF ang mga local government units ng mga nasa general community quarantine na i-relax ang ipinatutupad na age-restrictions sa paglabas-labas ng bahay.

Ito'y kahit marami sa mga COVID-19 vaccines ang hindi pwedeng iturok basta-basta sa menor de edad. Rekomendado ang Pfizer vaccine sa 16-anyos pataas habang ang Moderna ay para sa 18-anyos pataas.

Una nang gustong mapaluwag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga nasabing restriction, lalo na't 50% aniya ng economic activities ay nagmumula sa mga aktibidad ng pamilya. Kapag nasa loob ang mga bata, nasa loob din ang mga magulang para mag-alaga.

Sa ngayon, tanging mga 15-65 lang ang pinapayagang lumabas ng mga bahay. Pinapayagan lang ang paglabas ng mga naturang tao kung kukuha ng mga mahahalagang pang-araw-araw na pangangailangan.

Dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng kabataan, ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa bansa sa ngayon.

Nasa 507,717 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes habang 10,116 na ang patay sa sakit, ayon sa Department of Health (DOH)

— James Relativo

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE IATF MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with