Mga simbahan puwedeng gamiting COVID-19 vaccination center – CBCP

“We are partnering with our local government units in this vaccination program. Anything that can allay the fears of vaccination we will offer in the church,” ani CBCP Vice President Bishop Pablo David ng Caloocan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Payag ang mga obispo na gamitin ang mga pasilidad ng mga simbahang Katolika bilang COVID-19 vaccination sites.

Sinabi  ni Catholic Bishops’ Conference of the Phi­lippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles, napagpasyahan ito ng mga obispo sa kanilang 2-day virtual plenary assembly.

Handa rin umano ang mga obispo na magpabakuna sa harap ng ibang tao para maibsan ang pangamba ng publiko.

“We are partnering with our local government units in this vaccination program. Anything that can allay the fears of vaccination we will offer in the church,” ani CBCP Vice President Bishop Pablo David ng Caloocan.

Noong assembly, nagkaroon umano ng presentation tungkol sa bakuna ang molecular biologist na si Fr. Nicanor Austriaco na nagsabing ang bakuna, kahit pa 50% lamang ang bisa ay magiging beneficial pa rin sa mga mamamayan dahil mapapababa nito ang panganib na ma-ospital bunsod ng virus.

Hindi rin mamimili ng uri ng bakuna si Valles at tatanggapin niya ang anumang COVID-19 vaccine na iaalok dahil na rin sa urgency ng sitwasyong kinakaharap ng bansa sa ngayon dahil sa banta ng COVID-19.

Show comments