^

Bansa

Giit sa DSWD: Listahan ng mahihirap, seniors i-update na para sa bakuna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Giit sa DSWD: Listahan ng mahihirap, seniors i-update na para sa bakuna
Ayon kay Vargas, chairman ng House Committee on Social Services, habang hinihintay pa ang panuntunan sa pagbabakuna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat umpisahan na ng DSWD ang pagsusuri at pagsasaayos sa mastern list sa hanay ng mga mahihirap na netizens at maging sa mga senior citizens.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pinakikilos na ni 5th District Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simulan nang i-update ang listahan ng mga mahihirap na Pinoy at senior citizens sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng paghahanda ng pamahalaan sa pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Vargas, chairman ng House Committee on Social Services, habang hinihintay pa ang panuntunan sa pagbabakuna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat umpisahan na ng DSWD ang pagsusuri at pagsasaayos sa mastern list sa hanay ng mga mahihirap na netizens at maging sa mga senior citizens.

Ang mga senior citizens at maging ang mga mahihirap ay kabilang sa 60-70 milyong Pilipino na target ng pamahalaan na mabigyan ng COVID vaccine sa loob ng 3-5 taon.

Nangunguna sa talaan ang mga frontliners partikular na ang mga doktor at nurses na pangunahing sumasabak sa banta ng COVID-19.

Ang mga indigent senior citizens ay nasa 3.7M na pangalawa sa mga prayoridad mabakunahan.

Pangatlo ang 5.6M pang senior citizens kasunod ang 12.9M pinakamahihirap na mga Pilipino.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with