^

Bansa

PECO malabo nang makapag-operate muli sa Iloilo City

Pilipino Star Ngayon
PECO malabo nang makapag-operate muli sa Iloilo City
Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin maaaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang muling pamamahala sa power supply.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Wala umanong ba­se­han ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Ener­gy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kani­lang Certifi­cate of  Public Con­venience and Necessity(CPCN) at mapayagan muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Illoilo City dahil wala na itong legal na kapangyarihan para gawin ito.

Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksyon sa inihaing supplemental motion for reconsideration ng PECO sa ERC noong Mayo 22 kung saan hinihiling nitong mabalik ang kanilang ope­rational permit para sila muli ang maging power supplier sa Iloilo City sa katwirang walang technical competence ang kasalukuyang DU na More Electric and Power Corp (More Power).

Ani Tambunting, na dating Vice Chairman ng House Committee on Le­gislative Franchises, kahit pa man maibaik ang ope­rational permit ng PECO ay malinaw na wala na itong pinanghahawakang legislative franchise.

Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin maaaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang muling pamamahala sa power supply.

Ipinaliwanag ni Tambunting na ang More Power bilang siyang may legislative franchise na ginawad ng Kongreso at inaprubahan ng Malacañang, ay ito lang ang natatangging DU na papayagang makapag-operate sa Iloilo.

Aniya, ang hinihingi ng PECO sa ERC na sila muna ang mag-takeover sa Iloilo ay hindi maaaring mangyari.

“More Power is the one with the franchise. More is free to ask the help of PECO if it sees fit but that would be have to be decided by More,” paliwanag ni Tambunting kung saan hindi na umano pupuwedeng ipagpilitan ng PECO ang kanilang serbisyo dahil natapos na ito.

Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na sumuporta na maalisan ng prangkisa ang PECO kasunod na rin ng mga natanggap na ebidensya ng komite nito ukol sa kabiguan ng power firm na gampanan ang responsibilidad nito bilang power uti­lity dahil sa isyu ng safety bunsod ng pagkasunog ng mga lumang electric poles, mataas na singil sa kuryente at mahinang customer service.

vuukle comment

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with