36 PhilHealth execs dawit sa âoverpayment scamsâ, kakasuhan
Inilarawan ni Belgica ang sistema ng PhilHealth ng pagbabayad ng claims ng mga pagamutan sa pagbabayad sa restoran ng hindi tinitignan kung magkano ang halaga ng kanilang bill.
STAR/ File
36 PhilHealth execs dawit sa ‘overpayment scams’, kakasuhan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na masibak at masampahan ng kaso ang 36 opisyal ng Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) na sangkot umano sa tinatawag niyang ‘overpayment scams’.

Inilarawan ni Belgica ang sistema ng PhilHealth ng pagbabayad ng claims ng mga pagamutan sa pagbabayad sa restoran ng hindi tinitignan kung magkano ang halaga ng kanilang bill.

“Per region ang tran-saction diyan sa PhilHealth, doon naman ang yarian sa corruption dahil operational...Wala ho kaming pinili. Mataas, mababa, nandoon lahat iyon,” ayon kay Belgica kasunod ng pagsasabi na nagsumi­te na sila ng paunang ulat sa Office of the President nitong nakaraang Lunes.

Kinumpirma niya na nasa P154 bilyon ang nawala sa PhilHealth dahil sa ‘overpayments’ na nag-umpisa pa noong 2013. Nangyayari umano ito dahil sa walang sistema ang PhilHealth para sa balidasyon ng mga claims ng mga pagamutan na nagsasagawa ng padding sa kanilang bills.

Sumang-ayon Din si Belgica na problema ng PhilHealth ang IT (Infor­mation Technology) system nito na walang programa ng balidasyon sa ipinapadalang bills sa kanilang mga pagamutan.

“Many people already found out how to take ad­vantage of the situation kaya pag nagpadala kunwari ospital nagpadala ng fraudulent claims like upcasing, sipon ginagawang pneumonia, ‘yung mga ganun po ba, so tumataas ‘yung presyo. Ito naman PhilHealth parang ATM, bayad lang ng bayad,” ayon kay Belgica.

Ukol naman sa pag-uutos ni PhilHealth president Ricardo Morales kay dating anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith na kumausap sa opisyal ng PACC para hilutin ang isyu ng overpricing ng mga COVID-19 test kits, sinabi ni Belgica na hindi niya ito pinapayagan sa kaniyang tanggapan habang hindi niya maalala kung nakipagpulong siya kay Keith.

PACC PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with