Due process sa ABS-CBN tiniyak ng House
MANILA, Philippines — Tiniyak ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging patas at bibigyan ng due process ang ABS-CBN sa pagdinig ngayong araw ng House Committee on legislative franchises kaugnay sa aplikasyon ng prangkisa ng naturang television network.
Sinabi ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on good government na ang kanyang panel at committee on legislative franchises ni Palawan Rep. Franz Alvarez ay magbibigay ng patas na oportunidad ang lahat ng stakeholders para iprisinta ang kanilang mga argumento.
Ang joint hearing ay gagawing ngayong Martes sa session hall ng Kamara.
- Latest