Nabatid na galing sa Muntinlupa City ang bata mula Marso 5-12 bago dinala sa naturang lalawigan. Isinailalim na rin sa test ang kaniyang mga guardian habang nagsasagawa na rin ng contact tracing ang mga awtoridad doon.
Michael Varcas
1-yr. old pinakabatang COVID patient sa Pinas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang paslit na edad 1 taon at siyam na buwang gulang mula sa Oriental Mindoro ang sinasabing pinakabatang nagpositibo sa COVID-19.  

Hiniling na ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa Department of Health na magsagawa ng ‘confirmatory test’ sa sampol ng paslit makaraang magnegatibo ang pito sa pasyenteng kasabayan nito na isinailalim sa test.

Nabatid na galing sa Muntinlupa City ang bata mula Marso 5-12 bago dinala sa naturang lalawigan.  Isinailalim na rin sa test ang kaniyang mga guardian habang nagsasagawa na rin ng contact tracing ang mga awtoridad doon.

Samantala, isang DOH  Undersecretary ang nag­positibo na rin sa COVID-19 nitong Huwebes.

Hindi na pinangalanan ni Health Secretary Francisco Duque III ang naturang opis­yal na nakaranas umano ng ‘mild symptoms’ at ngayon ay nasa ‘stable’ naman na kalagayan.

Nauna nang kinumpirma ng DOH na may isa silang director na nag-positibo sa COVID-19, kung saan na-expose si Duque dahilan para magkusa siya na mag-self quarantine. Negatibo naman si Duque sa COVID test.

Related video:

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with