^

Bansa

Palasyo: Travel ban ipapataw sa probinsya ng South Korea dahil sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Palasyo: Travel ban ipapataw sa probinsya ng South Korea dahil sa COVID-19
Ini-isprayan ng disinfectant ang isang ambulansya sa isang ospital sa Daegu City, kung saan ginagamot ang ilang pasyente para sa COVID-19.
AFP / YONHAP

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na pagbabawalan ang mga biyahe mula sa at papunta sa isang probinsya ng South Korea upang maiwasan ang lalong pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Idinagdag na ang probinsya ng North Gyeongsang sa mga lugar na pinapatawan ng "travel ban" ng gobyerno.

Ang balita ay ipinabatid sa publiko ng gobyerno sa pamamagitan ni presidential spokersperson Salvador Panelo, Miyerkules.

Paglilinaw ni Panelo, hindi sasaklawin ng travel restriction ang buong Korea.

"Doon lang [North Gyeongsang] 'yung concentration ng virus," sabi ng tagapagsalita ng presidente.

South Korea ang nakapagtala ng ikalawang pinakamaraming COVID-19 infections, sunod sa Tsina kung saan ito nagsimula.

Ginawa ng gobyerno ang desisyon kahit una nang nanawagan ang sektor ng turismo na pag-aralan muna ito nang husto.

Noong Lunes, matatandaang sinabi ng Department of Health na wala pang Pilipinong tinatamaan ng nasabing virus sa nasabing East Asian country.

Una nang nagpataw ng travel ban ang Pilipinas sa kabuuan ng Tsina, ngunit binawi ito para sa mga probinsya ng Hong Kong at Macau.

Mahigit-kumulang dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang bawiin ang travel ban sa Taiwan dahil sa parehong sakit. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

SOUTH KOREA

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with