^

Bansa

58-anyos na Pinay sa Dubai 'patay sa coronavirus,' sabi ng DOLE

James Relativo - Philstar.com
58-anyos na Pinay sa Dubai 'patay sa coronavirus,' sabi ng DOLE
Hindi pa naman malinaw kung anong strain ng human coronavirus ang dumapo sa overseas Filipino worker — kung 2019-nCoV Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD) ba, Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) o iba pa.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Labor Secertary Silvestre Bello III na asawi sa coronavirus ang isang 58-anyos na kasambahay sa United Arab Emirates.

Ang balitang 'yan, nakarating daw kay Bello sa pamamagitan ng labor attaché sa Dubai, ayon sa ulat ng radyo dzMM.

Hindi pa naman malinaw kung anong strain ng human coronavirus ang dumapo sa overseas Filipino worker — kung 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD) ba, Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) o iba pa.

(Basahin: 7 uri ng 'coronaviruses' na nakahahawa sa tao)

Nasa 28 taon na raw nagtratrabaho sa Dubai ang nasabing Pilipina hanggang sa magkasakit at mamatay. Napag-alaman ding tubong General Santos City sa Mindanao ang babae. 

Sabi pa ni Bello, inaasikaso na ang pagpunta sa Dubai ng anak ng nasawi para maiuwi ang labi ng kanyang ina.

Isang araw pa lang ang nakalilipas nang kumpirmahin na kasama ang isang Pilipino seafarer sa 10 kaso ng 2019-nCoV ARD sa Japan.

Isa ang UAE sa mga bansang may naitalang kaso ng nCoV at MERS, na parehong nakamamatay.

Una nang naibalita na nasa 563 na ang namamatay sa 2019-nCoV ARD.

Sa taya ng World Health Organization, sinasabing 858 na ang namamatay mula sa MERS-CoV simula Setyembre 2012 habang 2,494 na ang tinatamaan nito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

MERS-COV

NOVEL CORONAVIRUS

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with