^

Bansa

Hazing sa PMA cadet kinondena ng ACT-CIS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng tatlong mambabatas ng ACT-CIS Party­list ang pagkamatay ng isang bagitong kadete dahil sa hazing  sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Base sa medico legal report ng PNP, namatay si 4th class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa bugbog kaya nagkaroon ng internal bleeding na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Dahil sa insidente ay nakatakdang maghain ng resolusyon si Cong. Eric Yap para ipatawag ang mga opisyal ng PMA at magpaliwanag kung bakit nakalusot na naman sa kanila ang ganitong uri ng pang-aabuso, gayong bawal na ang hazing.

“Gusto nating malaman kung ano ang nangyari bakit may namatay na kadete sa hazing habang nasa kanilang pangangalaga,” ani Yap.

Tanong naman ni ACT-CIS 3rd Rep. Nina Taduran, “Hindi ba’t disiplina at pagsunod sa utos ng mga nakakataas ang itinuturo sa kanila sa PMA?”

Aniya, kung ngayon na mga estudyante pa lamang ang mga ito pero abusado at barumbado na kung mag-isip, paano na lang kung sila ay ganap ng mga opisyal ng AFP.

Awang-awa naman si ACT-CIS 2nd Rep. Jocelyn Tulfo sa pamilya ng namatay na kadete.

“I am sure baka ayaw pa sigurong payagan ng ina ng biktima na umalis ang kanyang anak dahil mawawalay sa kanya ng matagal, tapos papatayin lang pala sa loob ng PMA. Kaya masakit sa pamilya ang nangyari,” sabi pa ni Tulfo.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with