^

Bansa

Basurang ipinuslit sa 'Pinas naglayag na pa-Canada

Philstar.com
Basurang ipinuslit sa 'Pinas naglayag na pa-Canada
Kumakaway ang dalawang Pilipino habang paalis ng bansa ang MV Bavaria patungong Canada.
Twitter/Teodoro Locsin Jr.

MANILA, Philippines — Kasalukuyan nang bumabyahe ang 69 container ng basura na iligal na itinambak sa Pilipinas sa pagitan ng 2013 at 2014.

Kinumpirma ng Subic Bay Metropolitan Authority na kinuha na ang mga lalagyang nakalagak sa Subic Bay Port Biyernes.

"A total of 69 garbage-laden containers — 67 of which were stored in Subic since 2013, and 2 brought in from Manila recently — were loaded onto MV Bavaria, a Liberian-flagged container ship commissioned to transport the containers back to Canada," wika ng SBMA sa isang pahayag.

(Umabot sa 69 lalagyang puno ng basura — 67 dito nasa Subic noong 2013 pa, habang dalawa rito'y nanggaling mula sa Maynila kamakailan — ay inisakay na sa MV Bavaria, isang Liberian-flagged container ship na kinomisyon para ipadala ang mga container sa Canada.)

Gabi ng Huwebes, nagsimulang magpaskil si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ng mga larawan at video ng paglalagay ng mga nasabing container sa barkong magdadala sa mga basura pabalik ng Canada.

Tila naging emosyonal naman si Locsin nang tuluyan nang lisanin ng basura ang pangpang.

Pinasalamatan din niya si Transportation Secretary Arthur Tugade sa kanyang aksyon para maipabalik ang basura.

"Awwwwwww. I’m gonna miss it so... [W]ithout Tugades’ as usual forceful last minute intervention that garbage would still be on the... dock... Thank you, Art," sabi niya. 

(Awwwwwww. Mami-miss ko 'to... Kung hindi nakialam si Tugade sa huling pagkakataon, malamang nasa pantalan pa rin ang basura. Salamat, Art.)

Bunsod ng panibagong mga kaganapan, inutusan na ng DFA ang mga diplomats nito na bumalik na sa Canada.

Matatandaang pinaalis ni Locsin ang Philippine ambassador at mga consul sa Canada matapos mapaso ang ibinigay na May 15 deadline para kunin ang basura.

"To our recalled posts, get your flights back. Thanks and sorry for the trouble you went through to drive home a point," wika ni Locsin. 

(Para sa mga pinauwi nating opisyal, lumipad na kayo pabalik. Salamat at pasensya sa abala dahil mayroon tayong ipinupunto.) — James Relativo at may ulat mula kay Patrica Lourdes Viray

vuukle comment

CANADA

GARBAGE

TEODORO LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with