^

Bansa

Hindi namin hawak si 'Bikoy' — IBP

James Relativo - Philstar.com
Hindi namin hawak si 'Bikoy' â IBP
Dagdag ng pambansang organisasyon ng mga abogado, wala silang ideya kung nasaan na si Advincula sa ngayon.

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Integrated Bar of the Philippine ang mga ugong-ugong na nasa kanilang pangangalaga si Peter Joemel Advincula, alyas "Bikoy," matapos niyang lumantad sa publiko dahil sa mga "banta sa buhay."

Si Advincula diumano ang nasa likod ng anonymous video series na "Ang Totoong Narcolist," kung saan iniuugnay ang pamilya Duterte at senate bet Bong Go sa kalakalan ng droga.

Dagdag ng pambansang organisasyon ng mga abogado, wala silang ideya kung nasaan na si Advincula sa ngayon.

"We would like to dispel rumors that Mr. Peter Joe Advincula is in the custody and care of the IBP. The IBP leadership is unware of his current whereabouts," ayon sa pahayag ng ng ika-23 board of governors ng IBP.

Dumating si Advincula kahapon para humingi ng legal assistance mula sa National Center for Legal Aid, na nag-ooperate ng legal aid program ng IBP.

Gayunpaman, hindi pa naman daw opisyal na kliyente ng IBP ang nabanggit.

"Right now, his application for legal aid is still under the evaluation of the NCLA," dagdag ng statement.

Paglilinaw din nila, hindi inimbitahan ng IBP ang media nang lumantad siya, at wala rin daw kinalaman ang organisasyon sa paglikha ng kanyang statement.

Sinabi naman ng Palasyo na puros paninira lang ang mga "pasabog" ni Bikoy.

Kung titignan daw ang kasaysayan ni Advincula, wala rin daw siyang kredibilidad para mag-akusa kay Pangulong Rodrigo Duterte, sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.
 
"It appears that he has been incarcerated in 2012 for conviction of illegal recruitement and large scale estafa, as well as for theft," ani Panelo.

IBP Davao vs. IBP national?

Samantala, ikinadismaya naman ng Davao chapter ng IBP ang diumano'y pagbibigay ng "staging area" ng kanilang pambansang opisina kay "Bikoy."

Sa isang statement na inilabas ngayong Martes, sinabi nila na labag daw ito sa ultimong layunin ng organisasyon.

"Bikoy's storyline is polluted and it's source comes from the very mouth of an alleged suborner himself," sabi ng IBP Davao City.

Aniya, hindi raw nila hahayaang maglabas ng pahayag ang pambansang tanggapan na magreresulta sa "politicization" ng organisasyon.

"While the IBP Davao City Chapter respects the IBP National in representing its membership on some national issues, however Bikoy does not deserve the Chapter's support since the IBP is a non-partisan organization not established to cater to political interests."

Binanatan din ni senatorial candidate at IBP member na si Atty. Larry Gadon ang diumano'y "pagkanlong" ng Integrated Bar kay Advincula.

"Halatang-halata naman na 'fake news' ang ipinapakalat niyan ano, para lamang guluhin ang administrasyon. At ang nakakainis diyan ay itong Bikoy na ito, nandadamay pa ng bata na babae ano," sabi ni Gadon sa isang video na ipinadala sa mga reporter.

"Bilang isang miyembro ng IBP, ako ay tutol diyan sapagkat 'yan ay hindi naman kagustuhan ng mga... abogado ng IBP."

Inciting to sedition sa 'sharer' ng Bikoy vids

Kahapon, in-indict na ng Department of Justice si Rodel Jayme, ang itinuturong nagbahagi ng links ng "Ang Totoong Narcolist," dahil sa reklamong "inciting to sedition."

Si Jayme ang web administrator ng website na metrobalita.net, na maya't maya raw nagpapaskil ng link ng "Ang Totoong Narcolist," ani Justice Secretary Menardo Guevearra.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DOJ na ginamit ang ""Bikoy" videos para "pahinain ang tiwala ng taumbayan [sa gobyerno] at mag-aklas laban dito."

Kung maco-convict, maaaring makulong ng anim na taon si Jayme. 

Inilutang naman ng National Bureau of Investigation noong nakaraang linggo na maaaring magsilbing state witness si Jayme sa patuloy na pag-iimbestiga nila sa mga video.

BIKOY

DRUG TRADE

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user