^

Bansa

Catriona Gray binigyang pagkilala ng Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Catriona Gray binigyang pagkilala ng Kamara
Sa kanyang maikling mensahe ay masaya ang Pinay-Australian beauty queen sa napaka­laking oportunidad na ibinigay sa kanya para makaharap ang mga leader ng bansa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binigyan ng pagkilala ng Kamara ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray matapos masungkit ang korona noong nakaraang taon.

Sa kanyang courtesy call sa Mababang Kapulungan, sinalubong si Catriona ni House Deputy Speaker Mercedes Alvarez kasama ang ilang kongresista.

Sa pamamagitan ng House Resolution 178 ay pinuri ng mga mambabatas ang naiambag ni Catriona sa lipunan na higit pa sa kanyang panalo sa pamosong patimpalak.

Kabilang na rito ang pagtulong sa mga kabataan sa Tondo, Maynila at promotion ng HIV awareness.

Sa kanyang maikling mensahe ay masaya ang Pinay-Australian beauty queen sa napaka­laking oportunidad na ibinigay sa kanya para makaharap ang mga leader ng bansa.

Handa pa umano siyang matuto at malaman ang kasalukuyang estado ng bansa kaya umaasa siyang makakaharap niyang muli ang mga opisyal.

Iginiit naman ni Rep. Alvarez na dapat tularan ng mga kongresista ang adbokasiya ni Catriona nang sa gayon ay makita rin nila ang “silver lining” at matulungan ang mamamayan.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with