^

Bansa

Talaga ba? Gadon sinabing 'di nagnakaw ang mga Marcos

James Relativo - Philstar.com
Talaga ba? Gadon sinabing 'di nagnakaw ang mga Marcos
Sinabi ni senatorial aspirant Larry Gadon sa senatorial debate ng ABS-CBN na 'di nagnakaw ang pamilyang Marcos sa kaban ng bayan sa gitna ng sari-saring ebidensya at court rulings na magpapatunay sa mga alegasyon.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Itinanggi ni senatorial candidate Larry Gadon na nagkamal ng nakaw na yaman ang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ito ni Gadon sa senatorial debate ng ABS-CBN sa gitna ng sari-saring ebidensya at court rulings na magpapatunay sa mga alegasyon.

"Wala," sabi ni Gadon nang tanungin kung meron bang ill-gotten wealth ang pamilya ng nasirang diktador.

Iginiit ni Gadon na hindi lahat ng mga kinumpiskang ari-arian ng Presidential Commission on Good Government ay nagmula sa pamilya Marcos, kundi sa mga diumano'y "crony" nila.

"In fact, marami nang naisaoli sa mga Marcoses. Kagaya ng mga bahay nila. Yung Sto. Niño Shrine, yung ibang mga paintings, yung ibang kagamitan," dagdag ni Gadon.

Itinatag ni dating Pangulong Corazon Aquino ang PCGG para mabawi ng Pilipinas ang mga nakaw na yaman sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Aminadong isang "true-blooded Marcos loyalist," tumatakbo si Gadon sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan.

Nang tanungin kung sinusuportahan siya ng mga Marcos, ito ang sagot niya: "Walang pera ang Pilipinas, paano mo nanakawin?"

Walang nakaw? Sabi ng mga korte 'meron'

Nobyembre taong 2018, hinatulang guilty ng Sandiganbayan Fifth Division si dating first lady Imelda Marcos sa pitong counts ng graft dahil sa paglikha at pagpapanatili ng mga pribadong foundation sa Switzerland sa ilalim ng pamumuno ng kanyang mister.

GUILTY

The Sandiganbayan 5th division found former first lady Imelda Marcos guilty of 7 counts of graft and sentenced her to 6 to 11 years in prison in connection with her case that ran for 27 years.

Marcos was absent during the promulgation of the case on Friday morning. pic.twitter.com/8n3yHErgBp

— The Philippine Star (@PhilippineStar) November 9, 2018

LOOK: Dispositive portion of the Sandiganbayan 5th Division's 70-page decision convicting Rep. Imelda Marcos of 7 counts of graft. | @marcelo_beth pic.twitter.com/qK0L5SrIvm

— The Philippine Star (@PhilippineStar) November 9, 2018

Kumita sila ng mahigit $200 milyon (P10.6 bilyon) mula sa mga interes at investments, ayon sa hatol ng anti-graft court.

Tinukoy sina Ilocos Norte governor at senatorial candidate Imee Marcos at kapatid na si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang mga benepisyaryo ng foundation.

Sa tatlong count kung saan napawalangsala si Imelda, napatunayan ng korte na nagkasala si Ferdinand ng graft.

“A review of evidence points not to Ms Marcos, but to her husband Mr Marcos, who personally participated in the management, control and direction of the affairs of ARCI [Asian Reliability Company Inc]. Criminal responsibility being personal to the perpetrator thereof, the same cannot be attributed by implication to Ms Marcos,” banggit ng desisyon.

Binigyang diin ng Fifth Division ang mga dokumentong nakuha mula sa Palasyo nang lumikas ang pamilya Marcos patungong Hawaii noong 1986, kasama ang mga bank records na nakuha sa pamamagitan ng Swiss legal system.

Imelda guilty pero nakalabas

Bagama't napatunayang nagkasala, pinayagan si Imelda na makapagpiyansa, dahilan para siya'y pakawalan.

Sandigan 5th Div orders release of Mrs. Marcos from court premises after posting her bail bond pending the resolution of her motion to avail of post-conviction remedies. | @marcelo_beth pic.twitter.com/MJCjiZJK6y

— The Philippine Star (@PhilippineStar) November 16, 2018

Ilan sa mga ginamit na dahilan para payagan siyang magpiyansa ay ang kanyang edad at diumano'y humihinang kalusugan. Si Imelda ay 89-anyos na.

"Taking into account primarily the fact that she is of advanced age and for health reasons, consistent with the doctrine in Enrile vs Sandiganbayan, bail is allowed for these seven cases," ayon sa ruling ng Fifth Division.

Ginamit din ng Fifth Division ang desisyon ng Korte Suprema noong Agosto 2015 kaugnay ng plunder suspect na si Sen. Juan Ponce Enrile para payagan siyang maglagak ng bail. 

Iniutos ng Swiss Federal Supreme Court noong 1997 na maisaoli sa bansa ang pera ng mga Marcos mula sa mga Swiss accounts.

Taong 2003, inutos ng Korte Suprema na ma-forfeit ang Swiss funds na aabot sa P35 bilyon.

Taong 2018, sinabi ng PCGG na aabot sa P171 bilyon na ang nababawi nilang ill-gotten wealth mula sa mga Marcos.

vuukle comment

#TALAGABA

2019 MIDTERM ELECTIONS

FACT CHECK

LARRY GADON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with