^

Bansa

PAGS, gun-for-hire banta sa halalan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PAGS, gun-for-hire banta sa halalan
Sa ginanap na Joint Peace and Coordinating Committee (JPSCC) sa Camp Crame, nagpulong sina AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. at PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde para talakayin ang pagsupil sa lahat ng banta sa halalan.
Boy Santos, Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Nangungunang banta sa pagdaraos ng midterm elections sa 2019 ang Private Armed Groups (PAGs) at gun-for-hire gang.

Sa ginanap na Joint Peace and Coordinating Committee (JPSCC) sa Camp Crame, nagpulong sina AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. at PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde para talakayin ang pagsupil sa lahat ng banta sa halalan.

Ayon kay Galvez, ang PAGs at mga gun for hire na ginagamit ng mga mandarayang pulitiko ang nangungunang banta sa pagdaraos ng matiwasay at mapayapang eleksyon sa susunod na taon.

Kabilang dito, ayon sa opisyal ay sa Mindanao at Abra at iba pang Election Watchlist Areas.

Ayon naman kay Albayalde, nakikita rin niyang banta sa eleksyon ang mga teroristang New People’s Army (NPA) na nagsasamantala sa paniningil ng Permit to Campaign (PTC) at Permit to Win (PTW) sa kanilang mga balwarteng teritoryo sa mga mangangampanyang kandidato.

Sinabi pa ni Albayalde na mahalaga ang papel na ginagampanan ng AFP sa ikatatagumpay ng eleksyon partikular na sa ilang lugar sa Mindanao na matindi ang problema laban sa mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf, Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), NPA at iba pa.

“But when it comes to the maintenance of peace and order, especially in the local (level), it’s the PNP,” sabi ni Albayalde.

Inihayag pa ni Gal­vez na gagamitin ng PNP at AFP ang mga natutu­nan nito sa mga nakalipas na halalan upang matugunan ang anumang banta sa pagdaraos ng midterm polls sa Mayo ng susunod na taon.

 “We had a lot of good experience wherein we had peaceful and honest elections, including the recent barangay and SK elections. First time that none has declared a failure of elections, and it was one of the most peaceful because we were able to refine good coordination,” ayon naman kay Galvez.

Aminado ang opis­yal na ang panguna­hing banta sa tagumpay ng midterm elections ay ang PAGS at gun for hire syndicates kaya pinapahintulutan nila ang security escorts sa mga kandidato.

“We will assign securities to candidates, especially in critical areas, in election watchlist areas,” ang sabi pa ng opisyal.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

GUN-FOR-HIRE GANG

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with