^

Bansa

PCOO officials pinakakasuhan ng COA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PCOO officials pinakakasuhan ng COA
Lumalabas sa 2017 audit report ng COA, na ini-award ng PCOO sa isang supplier ang kontrata ng hindi naaayon sa nakasaad sa Government Procurement Act.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng mga gamit at serbisyo para sa Association of Southeast Asian Summit (ASEAN) noong nakaraang taon.

Lumalabas sa 2017 audit report ng COA, na ini-award ng PCOO sa isang supplier ang kontrata ng hindi naaayon sa nakasaad sa Government Procurement Act.

Kabilang sa pinakakasuhan ng state auditors ang pinuno ng PCOO na si Secretary Martin Andanar, dahil sa pagbibigay nito ng kontrata para sa hand-made soap mula sa tatlong supplier na mas mataas kaysa sa inaprubahang budget na P758,000.

Gayundin umano ang printing contracts at power­bank supplies contracts na ini-award sa mga kumpanya kahit na mayroong mas mababang quotations, kaya umabot ang gastos sa P2.07 milyon at P2.488 milyon.

Kinuwestyon din ng COA ang pag-arkila sa Infomation Technology (IT) equipment na nagkakahalaga ng P4.039 milyon subalit kung bibilhin ay makakatipid ang gobyerno ng P964,872.

Kung nagtanong din umano sa iba pang suppliers ng mga gamit tulad ng Apple Macbook Pros, Macbook Airs, Dell laptops, Lenovo Yoga 300, Desktop Apple Mac, Sony cameras at lenses, Canon cameras at lenses ay mabibili lamang ng P3.074 milyon.

Pinuna rin ng COA anng purchased orders at kabayaran sa iba’t ibang kagamitan at serbisyo na umaabot sa P27.503 milyon at P7.264 milyon van rentals para sa ASEAN summit.

Gayundin ang travel expenses ng PCOO na lumobo sa P162 milyon noong 2017 mula P30M noong 2016 para sa kanilang foreign at local travels ni Pa­ngulong Duterte at Asean Chairmanship of the Philippines ay napuna ng COA.

Tumaas din ang communications, office supplies, rental expenses at other maintenancee and operating expenses ng ahensiya na umabot sa P99.679 mil­yon, P59.553 M, P771.879 M at P120.020 M noong 2017 dahil pa rin sa ASEAN.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with