^

Bansa

Rollback sa oil tax hingi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Rollback sa oil tax hingi
“Nalulunod na ang mga Pilipino sa taas ng mga presyo. Huwag na nating hintayin na tumaas lalo ang bilihin,” ayon kay Sen. Bam, isa sa apat na senador na tumutol sa ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hinamon ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na kumilos na at i-roll back ang excise taxes sa produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform program nito upang maalis ang pasanin ng mataas na presyo sa taumbayan lalo na sa mahihirap.

“Nalulunod na ang mga Pilipino sa taas ng mga presyo. Huwag na nating hintayin na tumaas lalo ang bilihin,” ayon kay Sen. Bam, isa sa apat na senador na tumutol sa ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
”Aantayin pa ba nila ang 2019? Hindi pa ba aaksyon ang pamahalaan?” 

Ginawa ni Bam ang pahayag matapos ideklara ng Department of Energy (DOE) na pinapayagan ng TRAIN Law ang agarang suspensiyon sa excise taxes sa produktong petrolyo.

Ngunit sinabi ng DOE na saklaw ng suspensiyon ang dagdag na excise tax sa 2019.

vuukle comment

SEN. BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with