Ayon kay Ka Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, kailangang madagdagan ng P4 ang pasahe sa jeep dahil sa epekto sa kanila ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo dulot ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. File

P12 pasahe sa jeep hinirit
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humihirit ang transport group na Pasang Masda ng dagdag na P4 o ma­ging P12 ang kasaluku­yang P8 minimum fare sa jeep.

Ayon kay Ka Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, kailangang madagdagan ng P4 ang pasahe sa jeep dahil sa epekto sa kanila ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo dulot ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa ilalim ng TRAIN, may inisyal na P2.50 per liter ng excise tax ang idadagdag sa presyo ng diesel ngayong taon hanggang sa abutin ng dagdag na P6 sa taong 2020.

Ito ay sa kabila ng sinasabi ng Department of Trade and Industry na ang TRAIN ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang stocks ng mga produktong petrolyo kaya’t wala umanong dahilan na tumaas agad ang presyo ng petroleum products.

Gayunman, sinabi ni Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na bubusisiin muna nilang mabuti ang anumang fare hike petitions na isasampa sa ahensiya upang maisaalang-alang ang kapaka­nan ng riding public na umaabot sa 3.2 milyong mananakay sa bansa.

Samantala, ang ibang transport group na humihiling ng P2 dagdag pasahe sa jeep o nais gawing P10 ang minimum fare mula sa P8 pasahe sa jeep ay nagsabing sa Pebrero 2018 na sila hihirit sa LTFRB na aksiyunan ito dahil marami pang ibang mga pagkakagastusan ang mamamayan na dapat unahin tulad ng mga bayarin sa tubig at kuryente na tataas din ngayong 2018 at halaga ng mga bilihin.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with