^

Bansa

17-anyos na Senegal national na football player, dinagsa ng tulong

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinagsa  ng tulong pinansiyal ang isang 17–anyos na Senegal national at player ng football matapos itong lokohin ng nag-imbita dito na maglalaro siya sa bansa.

Nakaalis na  noong Sabado ng hatinggabi sakay ng eroplanong Ethopian Airline  pauwi sa kanyang bansa si Moussa Kissima Samate, 17.

Ayon kay Airport Police Officer Jaime Estrella, nakalikom sila ng mahigit P10,000 na kanilang ipinambayad sa eroplano pauwi ni Samate.

Ang nalikom na P10,000 ay mula sa mabubuting loob ng mga empleyado ng Manila International Airport (MIAA) na awang-awa dito.

Ang nasabing halaga ay agad na pinambayad sa reboo­king fee ni Samate para makauwi.

Naiyak ang bata sa mga taong tumulong sa kanya para makaalis ng NAIA.

Maliban sa tulong ng mga empleyado ng MIAA ay dumating din bago makalipad pauwi si Samate, ang Philippine Football Federation  sa pangunguna ng isang nagpakilalang si Atty. Edwin Gastanes at Coach Marlon Maro at nag-abot din dito ng sobre na naglalaman ng cash.

Matatandaan nitong nakaraan October 12, dumating sa bansa si Samate sakay ng Ethiopian Airline, sa pag-aakala niya na totoo ang invitation letter sa kanya na maglalaro ng football sa bansa, ngunit walang sumalubong sa kanya ni isa kaya naman nagpalabuy-laboy siya sa airport ng halos anim na araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with