^
Walang kudeta â Lorenzana

Tiniyak kahapon ni Defense Secretary Delfin Loren­zana na wala silang namo-monitor na may mga militar na nagbabalak ng kudeta laban kay Pangulong Duterte. Presidential Photo/File

Walang kudeta – Lorenzana

Joy Cantos at Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Defense Secretary Delfin Loren­zana na wala silang namo-monitor na may mga militar na nagbabalak ng kudeta laban kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Lorenzana na sa tingin niya ay fake news ang ulat na lumabas sa social media na nagpaplano umano ng panibagong destabilisasyon si Sen. Antonio Trillanes.

Hinala ni Lorenzana, may isa o dalawang tao ang nagpapakalat ng nasabing fake news para lamang manggulo.

Tiniyak din ni Lorenzana na mararamdaman ng Defense Department at ng Armed Forces of the Philippines kung totoong may mga kumikilos para mag-kudeta.

Wala rin umanong namo-monitor ang Defense department na may mga nagre-recruit para mag-kudeta.

Kumalat sa social media na nagre-recruit umano si Trillanes sa mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2006 para lumahok sa kudeta na pinabulaanan naman ng senador.

Siniguro naman ni AFP Chief Gen. Eduardo Año na walang nagbabalak ng destabilisasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with