^

Bansa

BI nalusutan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para mapilitang bumalik ng bansa, inirekomenda kahapon ni Sen. Richard Gordon ang pagkansela ng pasaporte ni dating P/Senior Supt. Wally Sombero.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon sa isyu ng P50 milyong suhulan sa Bureau of Immigration, “no show” uli si Sombero na ayon sa kanyang abogado ay nasa Vancouver, Canada at nagpapagamot.

Si Sombero ang sinasabing nagbigay ng P50 milyon kina dating BI associate commissioners Al Argosino at Michael Robles para palayain ang nasa 1,300 Chinese natio­nals na nahuli ng Department of Justice na iligal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino ni Jack Lam sa Clark, Pampanga

Sinabi ni Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon committee, na gagawin na niya ang sulat para sa lider ng Senado upang maaprubahan ang pag-contempt kay Sombero at sa Department of Foreign Affairs para tuluyang makansela ang pasaporte nito.

Gayunman, nilinaw ng DFA na maaari lamang nilang kanselahin ang regular passport ni Sombero kapag ito ay inutos ng alinmang korte.

Ayon sa abogado ni Sombero na si Ted Contacto, hindi umano pinayagan ng airport authorities na makabalik ng bansa si Sombero mula sa Vancouver dahil sa isyu sa kanyang kalusugan.

Binigyan pa rin ni Gordon ng pagkakataon ang abogado ni Sombero na makapagpakita ng medical certificates ni Sombero pero nabigo ito.

Sabi ni Gordon, irerekomenda niya na sa Muntinlupa at hindi sa Senado ikulong si Sombero kapag nakabalik na ito ng bansa.

Kinuwestiyon naman ni Gordon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kung bakit pinayagang makalabas ng bansa si Sombero sa kabila ng immigration lookout bulletin order (ILBO) na pinalabas mismo nito.

Nakalabas ng bansa si Sombero noong Enero 17, isang linggo bago isagawa ang unang pagdinig ng komite sa suhulan.

Paliwanag ni BI Commissioner Jaime Morente, na nakalabas ng bansa si Sombero dahil ang nakalagay umano sa pasaporte nito ay Wenceslao Sombero samantalang ang nasa ILBO naman ay Wally.

Bagaman at hindi muna pinaharap sa pagdinig, kinumpirma ni Gordon ang pagdating sa Senado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na sinasabing kaibigan ni Jack Lam.

Hindi muna iniharap si Ang upang hindi marinig o mapanood ni Sombero ang sasabihin nito.

Itinakda ang ika-apat na pagdinig ng komite sa Pebrero 16. (Dagdag ulat ni Ellen Fernando)

RICHARD GORDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with