^

Bansa

Buntis nagbaril sa sarili, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang walong buwang buntis na misis matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Upper Bunguiao, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Angelica Sta Maria at sinasabing ka-live-in ni Kagawad Jovito Tabuena sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang duguang biktima na nakahandusay sa loob ng kanilang silid. Ang biktima ay may tama ng bala sa dibdib at narekober ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay nito ang cal. 45 pistol.

Natagpuan din ang suicide note sa tabi ng biktima kung saan inaalam na ng mga imbestigador kung sulat kamay ito ng misis.

Hindi naman kumbinsido ang pamilya ng biktima na nagpatiwakal dahil buntis ito at marami pa umanong pangarap sa buhay. Samantala, isinailalim na rin sa paraffin test ang ka-live-in ng biktima na posibleng may naganap na foul play. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with