Palasyo kinondena ang ‘brutal’ na pagpugot sa ikalawang Canadian hostage
MANILA, Philippines – Brutal kung ilarawan ng Malacañang ngayong Martes ang ginawang pagpugot ng ulo ng ikalawang Canadian hostage ng Abu Sayyaf.
Kinondena ng Palasyo ang “senseless murder” ng bandidong grupo kay Robert Hall kahapon matapos hindi makapagbayad ng P600 milyon na ransom ang kaniyang pamilya.
Si Hall na ang ikalawang Canadian na pinugutan ng Abu Sayyaf kasunod ni John Ridsdel nitong Abril 25.
BASAHIN: P600-M ransom ‘di naibigay Canadian hostage pinugutan!
Kinumpirma ng Western Mindanao Command ang pagpatay kay Hall sa ulat ng Philippines News Agency.
Sinabi ni Coloma na patuloy pa rin ang pagtugis ng mga military at kapulisan sa bandidong grupo upang mawakasan ang kanilang panggugulo.
"This latest heinous crime serves to strengthen our government’s resolve to put an end to this reign of terror and banditry," wika ng tagapagsalita.
Nagpasalamat din siya sa pamahalaan ng Canada sa pag-intindi sa sitwasyon na matagal nang problema ng Pilipinas.
"We thank the Canadian government and people for their steadfast support and understanding which has been extremely helpful in our determined efforts to end this decades-old problem."
- Latest