^

Bansa

2-M jobs kaya ko - Grace

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan si presidential bet Grace Poe na hindi “drowing” at “kathang-isip” ang kanyang pangako na magbigay ng isang milyong trabaho kada taon upang labanan ang kahirapan na aniya’y “ugat” ng krimen sa bansa.

“Kaya kong lumikha ng P1 milyong trabaho taun-taon”, wika ni Poe sa mga patutsada ng mga kalaban na ang kanyang agenda ay hindi kayang gawin ng kandidato.

Ayon kay Poe, agad pagtutuunan ng kanyang administrasyon ang pagresolba sa mga problemang kinakaharap ng mga ‘SMEs’ (small and medium enterprises), agrikultura, turismo at ‘manufacturing’ na kaya umanong makalikha ng higit 1.7 milyon, o halos 2 milyong trabaho, kada taon.

Para sa mga SMEs, inihayag ni Poe na pabibilisin niya ang proseso ng pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga ito upang higit na sumigla ang sektor. Sa pag-aaral, higit 99 porsi­yento ng mga negosyo sa bansa ay nasa hanay ng SMEs na siyang lumilikha ng halos 61 porsiyento ng mga bagong trabaho.

Aabot naman sa P300 bilyon kada taon ang ilalaan ng kanyang ‘Gobyernong May Puso’ sa agrikultura habang magiging libre na ang irigasyon para sa mga magsasaka at gagawing ‘climate-resilient’ ang mga postharvest facilities kasabay ng pagtatayo ng mas maraming agro-industrial zones.

Susuportahan din ng kanyang gobyerno ang muling pagpapalakas ng manufacturing sector “sapagkat kung dumami ang ‘Made in the Philippines,’ mas maraming trabahong malilikha, ani Poe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with