Maria Ozawa kay Robin, Mariel: Sorry, best wishes!

Humingi ng paumanhin si Maria Ozawa sa mag-asawang Robin at Mariel Padilla. Philstar.com/Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si Japanese star Maria Ozawa kina Robin Padilla at Mariel Rodriguez matapos ang kaniyang naging pahayag sa action star.

Sinabi ni Maria na nais niyang personal na humingi ng paumanhin sa mag-asawa dahil sa kaniyang nasabi tungkol kay Robin nang mag-backout siya sa kanilang gagawing pelikula.

"I'm really sorry about what I've said before and if I have the chance, I want to say sorry in person," wika niya sa kaniyang panayam kay Mario Dumaual na umere sa "TV Patrol" Lunes ng gabi.

"To the wife too, of course with what happened. Best wishes to them," dagdag niya.

Nitong nakaraang buwan ay tinawag niyang unprofessional si Robin matapos umatras sa kanilang gagawing pelikula para sa 2015 Metro Manila Film Festival upang tutukan ang pagbubuntis ni Mariel.

Sa kasamaang palad ay nakunan si Mariel sa unang anak sana nila ni Robin.

Ilang netizens pa ang nanisi kay Maria sa pagkalaglag ng triplets na inalmahan naman ng Japanese star dahil aniya’y wala naman siyang kasalanan sa nangyari at hindi niya rin ito ginusto.

Tinanggap naman nina Robin at Mariel ang apology ni Maria.

Pinalitan ni Cesar Montano si Robin sa pelikulang “Nilalang.”

Show comments