SB ‘most qualified’ running mate ni Roxas

Muling ipinaglaban ni Hagedorn si Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte bilang “most qualified” LP vice presidential bet dahil sa kanyang magandang background bilang dating local chief executive na siyang nagpaangat at nagpaganda mula sa pagiging bangkarote ng Quezon City. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Palawan Rep. Douglas Hagedorn sa kanyang mga kasama sa Liberal Party na magdesisyon na nga­yon kung sino ang kanilang napipisil na running mate ng administration standard bearer na si Mar Roxas.

Ayon kay Hagedorn, kulang na kulang na sila ng oras sa pagbuo ng team para sa 2016 national elections kaya marapat na pumili na sila ng karapat-dapat na ka-tandem ni Roxas at ihayag agad sa publiko.

Kasabay nito, muling ipinaglaban ni Hagedorn si Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte bilang “most qualified” LP vice presidential bet dahil sa kanyang magandang background bilang dating local chief executive na siyang nagpaangat at nagpaganda mula sa pagiging bangkarote ng Quezon City.

“Before Speaker Belmonte became mayor of Quezon City, the city was debt-ridden. Now, Quezon City is earning more than P10 billion annually,” dagdag ni Hagedorn.

Bukod aniya sa lungsod Quezon, dating pinamunuan at pinalago ni Belmonte ang GSIS (Go­vernment Service Insu­rance System) at Philippine Airlines (PAL).

Gaya aniya ng presidential candidate, ang kandidato sa pagka-bise presidente ay kailangan may integridad, kakayahan, karanasan at kapasidad.

“Speaker Belmonte has them all. He has never been in any allegation of corruption. And while many would claim they also have competence, the experience and the capacity, I am sure no one among them could match the track record of Speaker Belmonte,” giit ni Hagedorn.

Show comments