^

Bansa

LP nagpakita ng suporta kay Roxas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakita kahapon ng suporta ang mahigit 1,000 lokal na opisyal sa isang pagtitipon ng Partido Liberal sa San Juan City kahapon para sa kandidatura ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas na pambato ng administrasyon sa 2016.

Ginawa ito isang araw matapos maglahad ng binansagang True State of the Nation Address o TSONA si Vice President Jejomar Binay.

Imbitado si Sec. Mar sa nasabing pagtitipon ng LP at mga LGU’s kung saan ay sorpresang dumalo si Pangulong Aquino para ipakita ang 100 percent nitong suporta sa manok ng administrasyon.

Nasa pagtitipon din sina Senate President Frank Drilon, mga LP mayors sa Metro Manila at daan-daan pang mga gobernador at alkalde mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Isa na rito si Gov. Bombit Adiong ng Lanao del Sur na sinabing “ARMM is for Mar Roxas,” giit niya.

Hinimok ni PNoy ang mga kapwa miyembro ng LP na sama-samang suportahan si Roxas para hindi masayang ang mga nasimulan na sa Tuwid na Daan.

Nagpasalamat din si PNoy sa mga dumalo sa pagtitipon upang ipakita ang suporta kay Roxas, dahil ito din ang mga taong kasama niya sa pagsisimula ng tuwid na daan ng tumakbo siyang pangulo noong 2010.

Sinabi rin ni PNoy na puwede na siyang magretiro dahil nakikita niyang nasa magandang kamay naman ang bansa sa hinaharap matapos niyang iendorso si Roxas.

Pinatutsadahan din ni PNoy ng hindi pinapa­ngalanan sina Binay at Sen. Grace Poe.

Wika ni PNoy, mayroon daw nagmamalaki na kapag sila ang naupo ay gaganda ang buhay pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya kung paano ito gagawin ng nangangako.

Aniya, ang iba naman ay natutuksong hintayin at ibatay sa survey at hindi suportahan ang mga mababa sa survey.

Inilarawang may na­ngu­nguna sa survey pero hindi pa naman daw ‘hinog’ na halos patungkol kay Poe.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOMBIT ADIONG

GRACE POE

MAR ROXAS

METRO MANILA

MGA

PANGULONG AQUINO

PARTIDO LIBERAL

ROXAS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with