Ona iniimbestigahan ng NBI sa PCV

MANILA, Philippines - Sinimulang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si on leave Health Sec. Enrique Ona kaugnay sa kinukuwestiyong  pagbiili ng Department of Health (DOH) ng Pneumoccocal Conjugate Vaccine 10 o PCV 10 noong 2012.

Nabatid sa NBI-Anti Fraud Division na noong buwan pa ng Hunyo ng taong kasalukuyan nang ikasa ang imbestigasyon.

Ito’y batay sa rekla­mong iinihain sa DOJ kung kaya’t inatasan ang NBI na siyasatin ang alegasyon hinggil sa pagbili ng PCV 10, isang uri ng bakuna para sa mga bata para sa mga pulmonary diseases gaya ng Pneumonia, Me­ningitis, Sinusitis at Bronchitis,  na ang dapat sana ay ang PCV 13.

Lumalabas na ang PCV 13 kasi ang inirekomenda ng World Health Organization (WHO) at ng National Center For Pharmaceutical Access and Management at Formulatory Executive Council na dapat na bilhin dahil ito ay mas mabisa at mas maraming coverage o saklaw na karamdamang mapoprotektahan.

Nadiskubre din na ang PCV 13 din ang ina­prubahan ng Bids and Awards Committee ng DOH  suba­lit ang iniutos na bilhin  ang PCV 10.

Nagmula umano ang direktiba sa pagbili ng PCV 10 kay Assistant Sec­retary Eric Tayag habang nakapag-isyu naman si Ona ng Certificate of Exemption para sa PCV 10.

 

Show comments