PNoy bibiyahe ulit

MANILA, Philippines - Sunud-sunod ulit ang biyahe ni Pangulong Aquino mula sa buwang ito hanggang sa susunod na buwan.

Unang magtutungo si Pangulong Aquino sa October 10-11 upang dumalo sa unang pagkakataon sa Bali Democracy Forum na gaganapin sa Indonesia.

Susunod na biyahe ni PNoy ay ang pagdalo sa APEC Leader’s Meeting sa Beijing, China sa Nov. 10-11 kasunod ang pagdalo naman nito sa 25th ASEAN Summit na gaganapin sa Nov. 12-13 sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Magugunita na kagagaling lamang ni Pangulong Aquino sa halos 2 linggong byahe sa Europe at Estados Unidos.

 

Show comments