PNoy humingi na ng emergency powers sa Kongreso

MANILA, Philippines – Pormal nang hiniling ni Pangulong Aquino sa Kongreso na pagkalooban ito ng emergency powers.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., natanggap na nila ang liham ng Pangulo na may petsang Setyembre 12,2014 kung saan hiniling nito na bigyan siya ng emergency po­wers para makapangontrata sila ng karagdagang power capacity sa nakaambang power crisis sa 2015.?

Nakasaad ang mga rason mula sa Department of Energy (DOE) kaya inirerekomenda ang enactment ng emergency powers para sa Pangulo dahil sa inaasahang epek­to ng El Niño Phenomenon, 2015 Malampaya turnaround, patuloy na outages o problema ng power plants at delays sa commissioning ng committed power projects.

Show comments