Pagtaas sa presyo ng mga bilihin ‘di dahil sa port congestion - DTI

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Gregory Domingo na ang pagtaas sa presyo ng ilang bilihin ay walang kinalaman sa problema ng port congestion, sa halip nagkataong tumaas ang raw materials nito.

Una nang inanunsiyo ng DTI ang pagtaas ng presyo ng kape, patis at kandila dahil na rin sa pagtaas ng pres­yo ng raw materials o mga sangkap sa paggawa nito.

Tulad umano ng robusta coffee para sa kape, gayundin ang isda para sa ginagawang patis at maging ang sangkap sa paggawa ng kandila tulad ng paraffin wax ay lumobo rin ang presyo.

Dahil dito kaya tataas ng mula P0.50 hanggang P1.00 ang presyo ng kape, patis, at kandila. Sa susunod na linggo ay ilalabas ng DTI ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga nabanggit na produkto.

Sinabi pa ni Domingo na sa kabila ng nararanasang port congestion ay wala silang nakitang dahilan upang tumaas ang presyo ng anumang de lata, processed meat at maging ang noche buena items dahil minimal lang naman ang epekto pagdating sa transportaiton costs.

 

Show comments