MRT probe isasagawa ng Senado
MANILA, Philippines - Ngayon isasagawa ni Sen. Grace Poe ang imbestigasyon sa Metro Rail Transit (MRT) dahil sa sunud-sunod nitong aberya.
Magugunita na sumakay pa ng MRT si Sen. Poe noong Biyernes upang mabatid ang kalbaryong dinaranas ng mga pangkaraniwang sumasakay sa tren.
Layunin ni Poe na mabigyan ng mabilis na kalutasan ng gobyerno ang sunud-sunod na aberya ng MRT.
Samantala, sinabi naman ng Malacañang na inaayos na nito ang problema ng MRT partikular sa maintenance bidding nito.
Nakatakda nang simulan ng DOTC ang bidding ng kontrata para sa tatlong taong maintenance ng MRT-3 na nagkakahalaga ng 2.25 bilyong piso, ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma.
- Latest