^

Bansa

P0.89/kWh taas singil sa gen. charge ngayong Abril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Manila Electric Company (Me­ralco) ang pagpapatupad ng P0.89 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa generation charge ngayong Abril, kasunod na rin nang pagbibigay sa kanila ng pahintulot ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Nangangahulugan ito na aabot sa mahigit P170 ang posibleng itaas ng bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan at lagpas P350 naman sa mga kumukonsumo ng 400 kWh.

Ipinaliwanag ng ERC na nakasaad sa patakaran na awtomatikong ipapasa sa taumbayan ang pagtaas ng generation charge.

Dagdag pa nito, kahit kinukwestyon sa Korte Suprema ay gumagana pa rin ang “automatic generation rate adjustment” na nangangahulugang ipapasa nang buo at agad-agad sa konsyumer ang anumang dagdag-singil kahit walang hearing­.

Hindi rin umano nila inirekomenda na utay-utayin pa ang taas-singil.

Sinabi ni ERC Executive Director Atty. Francis Juan na inaasahang tataas din ang singil sa mga susunod na buwan kaya posibleng magpatung-patong ang mga dagdag-bayarin.

vuukle comment

ABRIL

DAGDAG

ENERGY REGULATORY COMMISSION

EXECUTIVE DIRECTOR ATTY

FRANCIS JUAN

IKINASA

IPINALIWANAG

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with